BOMBO DAGUPAN – Mabilis na sinaklolohan ng mga secret service agents si dating Pangulong Donald Trump sa labas ng entablado matapos umalingawngaw ang tila putok ng baril sa isang rally sa Pennsylvania.

Ang footage ay nagpakita sa kanya ng pagngiwi at itinaas ang isang kamay sa kanyang kanang tainga, bago yumuko,

Siya ay mabilis na sinaklolokan ng mga ahente at nagmamadaling bumaba sa entablado patungo sa isang naghihintay na sasakyan.

--Ads--

Lumilitaw na may dugo ang dating pangulo sa kanyang tainga.

Batay sa report bumagsak si Trump matapos ang bugso ng isang napakalakas na tunog o bangs kung saan marinig ang mga sigaw mula sa mga tagapanood habang agad namang pinaligiran ng mga security personnel ang dating pangulo.

Samantala, sinabi ng secret service na agad na sinuri at nasa maayos na ngayon ang lagay ni Trump sa isang local medical facility

Nagpapasalamat naman ito sa mabilis na pagtugon ng mga secret service agent.