Patay matapos pagbabarilin ngayong umaga ang isang dating barangay kagawad at incumbent barangay treasure ng Brgy Bued sa bayan ng Calasiao Pangasinan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Lauro Parajas, 63 anyos na residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa impormasyon, nagkakape sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang suspek.

--Ads--

Nakita pa raw ng inaanak nito ang mga suspek na bumaba ng motorsiklo at nakitang may dalang baril.

Nasabi pa umano niya ito sa biktima ngunit mabilis nakalapit ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Tama sa ulo ang tinamo ni Parajas na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insedente.