DAGUPAN CITY- Dead on arrival ang dalawang magkaibigan matapos na mauwi sa pananaksak ang kanilang simpleng pagtatalo.

Ayon kay Police Lieutenant (PLT) Darius Cabotaje, Deputy Chief of Bugallon Municipal Police Station, nakitang nagtatalo ang dalawang magkaibigang na si Dominic Sison Zaratan, 18-taong gulang, Jessie June Munda De Guzman, 28-taong gulang, kapwa residente ng Brgy. Población sa bayan ng Bugallon.

Aniya, dahil sa pagtatalo ay mauwi sa suntukan at maya maya ay bigla na lamang may inilabas Jessie na isang kitchen knife at pinagsasaksak ng ilang ulit si Dominic, pagkatapos nito ay sinasksak rin ng suspek ang kaniyang sarili.

--Ads--

Dinala pa ang dalawa sa Lingayen District Hospital ngunit idineklara nang dead on arrival.

Nagpaalala naman ang mga opisyal sa publiko na kung may mga hindi pagkakaunawaan mas mainam na daanin sa mahinahong usapan upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.