Dalawang katao ang arestado matapos maaktuhang nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa lungsod ng Urdaneta

Kinilala ang mga suspek na sina Jonel Castro , na residente ng Brgy. Amsic, Angeles City, Pampanga at
Jason Salvatierra na mula naman sa Sapangmisak, Mexico, Pampanga.

Base sa report nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng CIDG Pangasinan (lead) RDEU, Police Regional Office 1 at Urdaneta PNP para sa Paglabag sa RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) laban sa mga suspek habang nagbebenta ng pekeng sigarilyo sa isa sa mga detective na nagsilbing poseour buyer.

--Ads--

Kumpiskado sa mga suspek ang 4 Mastercases Marlboro Red at dalawang Mastercases ng Mighty

Ibinunyag ng mga suspek na sila rin ang may pananagutan sa pagbebenta at pamamahagi ng mga pekeng sigarilyo sa mga bayan ng Villasis, Rosales, Balungao at Uminggan, Pangasinan

Dinala ang mga ito sa CIDG Pangasinan para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.