DAGUPAN, CITY— Dumating na sa Dagupan City Astrodome ang 2, 171 libong vaccine na mula sa Sinovac vaccine para sa mga medical frontliners sa parehong pribado at pampublikong mga ospital sa lungsod.
Ayon kay Dagupan City Mayor Marc Brian Lim, ngayong araw din ay sisimulan na ang vaccination activity para mga mga nasa hanay ng mga medical personnels sa siyudad.
Maibibigay ang mga bakuna sa 8 na mga opsital sa lungsod at nasa 14 na mga school sites idadaos ang pagpapabakuna ng mga nasa priority list ng bakuna bukod pa diyan ang Dagupan City Astrodome na siyang main sites ng vaccination activity sa lungsod.
Inaasahan naman na makalipas ang dalawang araw ay mababakunahan na ang lahat ng mga medical frontliners sa parehong pribado at pampublikong mga ospital sa lungsod ng Dagupan.