Humiling ang Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) ng dagdag na pondo para sa susunod na taon.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na mahalaga ang dagdag na pondo para sa kanilang mga proyekto dahil sa inaasahang posibilidad na epekto ng El Nino sa bansa.
Kabilang na hiniling ng Kalihim ang pataasin ang Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk (PAF) kung saan ang nasabing pondo nito ay maaaring kapusin na sa susunod na mga buwan dahil sa epektona rin ng habagat at mga bagyo.
Nangangailangan din ang ahensiya ng P8.7-B para sa fertilizer assistance funds sa mga magsasaka at dagdag na P10-B hanggang P12-B para sa mga mangingisda sa ilalim ng mga programa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).










