Dagupan City – Isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng barangay sa lungsod ng Alaminos ang ‘CSE Face to face Review’.

Ito ay alinsunod sa paghahanda para sa nalalapit na Civil Service Examination (CSE) sa buwan ng Agosto ngayong taon.

Sa ilalim naman ito ng inisyatibo ng Sangguniang Kabataan (SK) Barangay Lucap na layuning maipasa ang mga kabataan na nagnanais makapasa sa Civil Service Examination (CSE).

--Ads--

Ang review ay nakatakdang tatagal ng apat na araw kung saan ay nagsisilbi itong daan na susubok at hahasa sa kapasidad ng bawat SK patungkol sa verbal & analytical ability, numerical ability at general information para maging handa sila sa nalalapit na pagsusulit.

Ipinaabot naman ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste sa pamamagitan ni SK Federation Pres. Loverly Bernabe ang kanyang buong suporta lalong-lalo na sa mga ganitong programang maglilinang ng kakayahan ng bawat kabataan dito sa siyudad.