Mga kabombo! Isa ka ba sa mga nangangarap na magkaroon ng 4-wheels?
Baka gusto mo itong ikonsidera? Pang solo style na 4-wheels?
Naging laman kasi ng international news ang Italian mechanic at content creator na kinilalang si Andrea Marazzi, 30-anyos.
Ang sasakyan kasi nitong 1993 Fiat Panda ay nai-convert niya para sa taguriang world’s skinniest drivable car na tinawag nitong sasakyan na Flat Fiat.
Pag-amin ni Andrea, pangarap niyang makagawa ng kotse na makitid at tanging siya, bilang driver, ang kasya rito.
Dahil dito, ni-retain niya ang halos lahat ng original parts ng 1993 Fiat Panda, ngunit ang special model niya at ang driver lang ang kasya.
Ang nasabing sasakyan nito ay may habang 340 centimeters, taas na 145 centimeters, at kitid na 50 centimeters. Habang may timbang naman itong 264 kilograms (582 pounds).
Ginawa raw niya ang “crazy project” para makatawag-pansin at mai-promote ang kanyang junkyard business.
Umabot naman ng twelve months ang ginugol ni Andrea para mabuo ang Flat Fiat.
Sa ngayon ay inaasikaso ni Andrea ang official application para kilalanin ng Guinness World Records ang Flat Panda bilang “narrowest car ever built.”