Dagupan City – Pinapaalalahan ng Cooperative Development Authority na lahat ng may nais na magparehistro ng kanilang kooperatiba na kailangan na muna nilang dumaan sa pre-registration seminar na siya ring isinasagawa ng kanilang ahensya

Ayon kay Van Ian Enriquez – Sr. CDS, Cooperative Research, Information and Training Section, nakapaloob dito ang mga inaasahan ng mga tao na naaayon sa kooperatiba, at inaaasahan ng mismong kooperatiba na naaayon naman sa batas.

Aniya na napakahalaga ng pre-registration dahil dito naipapaliwanag kung anong klase ng organisasyon ng kooperatiba ang kanilang patatatagin.

--Ads--

Sa pamamagitan nito, nagkakaroon sila ng mga alituntunin ng batas at ng pamahalaan upang masiguro na sila ay compliant at maiwas sila sa pagiging non-compliant o ang “failure to submit mandatory reports.”

Matapos nito, maaari na rin itong idaan sa online registration para sa mga nais mga nais mag-organisa at mayroon din mga field personnel na aalalay o tutulong sakanila.

Dagdag pa ni Enriquez na huwag umanong mag focus sa economic benefit na ibibigay ng koop kundi dapat magfocus sila kung ano ang mas malalim na dahilan kung bakit nila ito bubuuin, halimbawa na lamang ng kung anong nagagawa nila para sa komunidad.

Kanila ring tinututukan ang dalawang mandatory trainings na fubdamentals of cooperatives at governance and management of cooperatives dahil nakapaloob ang mga pangunahing aspeto na dapat sundan na nakasunod din sa batas.

Panghuli ay ang pagtalakay ng mga klase ng pondo kagaya na lamang ng Cooperative Education Training Fund, Community Development Fund, Reserve Fund, at Optional Fund na dapat pondohan ng koop taon-taon. (Nerissa Ventura)