DAGUPAN, CITY— Inimbestigahan na ng Calasiao PNP ang iniulat ng isang insidente umano ng stray bullet sa sitio Basasong, Barangay Doyong sa nasabing bayan.

Ayon kay PLt. Col. Ferdinand de Asis, Chief of Police ng Calasiao PNP, pinuntahan na umano nila bahay ng residente na siyang nagbigay ng impormasyon sa naturang insidente at nang kanilang tinignan ito ay wala naman umanong nakitang tama ng bala doon.

Mapag-alaman din ng naturang himpilan na dalawang bala nakita sa lugar ay lumang luma na at maaring mahigit isang taon ng naka-stock.

--Ads--
Tinig ni PLt. Col. Ferdinand de Asis, Chief of Police ng Calasiao PNP

Bukod pa umano rito ay wala ding butas ng bala sa kahit na ano mang sulok ng bahay.

Iginiit nito na napulot lamang ng anak ng naturang residente ang nadiskureng mga bala.

Saad pa ni De Asis na iimbestigahan din nila ang nabanggit na pamilya dahil maaring gawa-gawa lang din umano nila ang naturang insidente dahil ayon sa kapitan ng naturang barangay na hindi aniya totoo ito.

Dagdag pa rito, wala ring naririnig ang iba pang mga residente ng mga nagpapaputok ng baril sa mga nakalipas na mga araw.

Matatandaang nagmula sa isang facebook post ang naturang insidente at naiparating sa naturang himpilan kaya agad silang nagtungo sa lugar upang imbestigahan ang umano’y insidente ng stay bullet.