Sugatan ang isang buntis na ginang at dalawang taong gulang nitong anak matapos aksidenteng mabangga ng isang kotse sa bayan ng Malasiqui Pangasinan.

Nakilala ang mga biktima na sina Krizza Mae Eliang , 23 anyos, at ang kaniyang anak na nakilala namang si AlhKyzer Eliang, dalawang taong gulang .

Patawid na umano ang mag ina nang bigla umanong tumakbo ang bata patungo sa kabilang linya ng kalsada kayat hinabol ito nang ina.

--Ads--

Dito na sila nahagip ng paparating na kotse na minamaneho ni Danilo Martinez.

Resulta nito ay nagtamo ng mga galos sa binti at sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan ang mag-inang biktima na agad na isinugod sa pagamutan upang malapatan ng paunang lunas habang hindi naman nasaktan ang driver ng kotse at ang apat na katao na nasa loob ng sasakyan.

Napag-alaman na buntis ang naturang ginang na patuloy ngayong inoobserbahan sa pagamutan.