Patay ang isang bumbero matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang tricycle sa kahabaan ng national highway ng barangay Pogo, Mangaldan.

Kinilala ang biktima na si Jerwiz Zabala, 29 anyos, bumbero na nakaassign sa BFP Dafupan at residente ng baranay Sobol, San Fabian habang ang tricycle ay minamaneho ni Rafael Solis, 33 anyos at residente ng barangay Guilig, Mangaldan.

Ayon kay PLt. Charise Pacheco, PCR & PCWD PCO, base sa kanilang na inisyal na imbestigasyon, ayon sa pahayag ng mga testigo, bandang 1:30 ng madaling araw, pauwi na ng San Fabian ang biktima at habang papuntang national highway ang motorsiklo na minamaneho ng biktima ay namulaga siya dahil may tricycle.

--Ads--

Sa lakas ng impact ay tumilapon siya hanggang bumagok sa rail portion ng tricycle,nahulog at tumilapon.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero ideneklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Hindi naman nasaktan ang driver ng tricycle pero nagkaroon ng sira ang harapang bahagi ng kanyang sasakyan.

TINIG NI PLT. CHARISE PACHECO