Dagupan City – Nagsagawa ng Oplan Bakal o Sita ang mga tauhan ng Bugallon Municipal Police Station noong Marso 14, 2026 sa Sitio Socony, Barangay Salasa sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Pinangunahan ang operasyon ng mga pulis sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ Rodlfo S. Labayo Jr., Officer in Charge ng nasabing istasyon.

Sa isinagawang inspeksyon, sinuri ng mga awtoridad ang ilang establisimyento sa lugar lalo na ang mga lugar kung saan madalas magtipon ang mga indibidwal para sa mga social activities gaya ng inuman.

--Ads--

Layunin ng naturang operasyon na matiyak na walang nagtataglay ng mga deadly weapons at iba pang ipinagbabawal na kagamitan na maaaring magdulot ng karahasan sa komunidad.

Bahagi ang Oplan Bakal ng patuloy na hakbang ng Philippine National Police upang maiwasan ang posibleng insidente ng krimen, mapanatili ang kaayusan at kapayapaan, at masiguro ang kaligtasan ng publiko sa nasabing lugar.