DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Normal na sa ating ang may katabi sa upuan tuwing bumibiyahe.
Ngunit, paano na lamang kung masikip ang upuan?
Isang turista kasi mula sa UK ang pilit na inalis mula sa eroplano sa Bangkok, Thailand matapos umanong igiit na maupo sa emergency aisle seat.
Ayon sa ulat, ang lalaki ay hindi umano magkasya sa itinalagang window seat kaya humiling siya ng emergency aisle seat para sa mas maluwag na legroom.
Tinanggihan naman ng airline ang kanyang kahilingan.
Nagwala umano ang lalaki at nakipagtalo sa mga flight attendant, dahilan upang tumawag ang mga ito ng awtoridad upang paalisin siya sa eroplano.
Ayon sa ulat, hinarang niya ang aisle bilang protesta, kaya’t sapilitang siyang inalis ng mga pulis sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang mga braso at binti.
Binatikos din siya ng kapwa pasahero dahil sa abalang idinulot ng kanyang kilos, na naging sanhi ng pagkaantala ng flight ng isang oras.