Dagupan City – Nakamit ng Boston Celtics ang panalo sa unang laro ng 2024 NBA Finals sa score na 107-89.

Sa panayam ng Bombo Radyo Daupan kay Harold Villarosa Mortel, Bombo International News Correspondent sa Boston, bagama’t makikita ang kagalingan ng bawa’t panig ay nangibabaw pa rin ang opensibang ipinakita ng Boston.

Kung mapapansin kasi aniya ay malakas at isa sa inaabangang performance ay ang ipapakita ni Luka Doncic, ngunit laking gulat na lamang din nila ng 1 lamang ang nai-ambag nitong assist.

--Ads--

Isa naman sa nakikita ni Mortel na dahilan kung bakit nakamit ng Boston ang kanilang akmpyeonato sa unang laro ay dahil sa kanilang depensa.

Umaasa naman ito na mapapanatili ng Boston ang kanilang opensiba at ipinakitang galing sa mga susubnod pang laro. Dahil hindi rin basta-basta ang galing ng Dallas Mavericks, kung i-ooberserba kasi aniya, mabilis ding umakyat ang kanilang score sa 3rd quarter kung saan ay magmula sa 28 puntos na kalamangan ay naging 8 na lamang.