Dagupan City – Muling pinataob ng Boston Celtics ang Dallas Mavericks sa pangalawang 2024 NBA Finals sa score na 105-98.

Ayon kay Harold Villarosa Mortel, Bombo International News Correspondent sa Boston, masaya ang mga Boston Fans sa bansang kaniyang kinaroroonan dahil sa muling pagkamit ng panalo ng mga ito.

Bagama’t close game ang naging laro nila sa mga una at pangalawang quarter ng laro, muli na namang nagpamalas ang Boston ng kanilang opensiba na siyang ginawa noong Game 1.

--Ads--

Kaugnay nito, tumataas naman aniya ang Betting Odds sa kanila dahil ang $100 na taya ay maaring madoble kapag nanalo ang Celtics.

Pagbabahagi pa nito, na mukhang nagbago rin ang ipinakitang performance ni Kyrie Irving o mas kilala sa tawag na “Uncle Drew” dahil lumalabas na hindi na siya tulad ng dati na kaya niyang gawin lahat ng gusto niya sa court.

Bagama’t bukas si Mortel sa mga posibilidad na makabahol ang Mavericks, sinabi naman nito na umaasa pa rin silang magtatapos ang laro sa Game 5.