Dagupan City – Mula taong 2022-2024, mayroon ng programa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) patungkol sa Online Wolrd kung kanilang tawagin.

Ayon kay Marcelito Cday JR., Head ng Client Support Unit sa Office of the Regiol Director.

Kanilang tinitiyak na matukoy ang lahat ng mga kumikita o may mga business sa online platform lalo na’t napapanahon na ito.

--Ads--

Kabilang na rito ang online shopping, maging ang mga vloggers, at anumang nagsasapubliko sa online sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga impormasyon, edukasyon, at entertainment, o kung sino mang kumikita dito.

Mayroon din silang regulasyon at polisiya sa mga online users, kung saan patuloy ang kanilang paghihikayat sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa pagiging kabilang sa mga taxpayers o sa net ng mga income earners.

Para sa mga hindi pa kabilang dito ay may mga violation sa tax law, dahil may kinikita sila ngunit hindi nagbabayad ng buwis.

Aniya na mahalaga ang paraan na ito bago pa man magsagawa ng imbestigasyon ang BIR sa kanila.

Kabilang na rin dito ang history ng kanilang kinita at kung taxable nga ba ito na magiging sanhi pa ng pagkakaroon ng kanilang penalty o ng surcharges sa oras na ito’y maimbestigahan.

Maliit man o malaking plataporma sa social media ay nararapat lamang na nakarehistro at nakakapagbayad sila. Kaugnay nito ang layunin ng BIR na maging highly digital sila sa taong 2028.