Nananatiling walang confirmed cases o tested positive sa covid-19 dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa monitoring report ng Pangasinan Provincial Government, umaabot na sa 22 ang patient under investigation o PUI dito sa lalawigan.

Samantala, nasa 10 naman ang nananatiling nasa ospital habang 12 na ang nakalabas ng pagamutan.

--Ads--

Nasa 39,985 naman ang person under monitoring o PUM kung saan 39,273 ang sumasailalim sa 14 days quarantine habang 712 naman ang natapos na sa quarantine.