Nasawi ang isang babaeng empleyado ng isang Pokemon merchandise shop sa Ikebukuro district, sa Tokyo, Japan matapos itong pagsasaksakin ng isang lalaki.
Nasawi naman ang suspek matapos nitong kitilin ang sariling buhay, bagay na lalong ikinagulat ng mga mamimili.
Nangyari ang insidente, 7:16 PM (oras sa Japan), kahapon lamang, March 26, 2026.
Naidala pa ang dalawa sa ospital subalit makalipas ang isang oras ay dineklara din nasawi ang mga ito.
Nangyari naman ang insidente habang dinagsa ng mga customer ang naturang pamilihan hanggang sa narinig na lamang ang nagbabagsakang kagamitan at sigaw ng biktima habang humihingi ng tulong.
Ayon sa isang nakasaksi, nakita na lamang nila ang biktima na sugatan na at ang suspek na nakasuot ng itim na damit at patungo ito sa isang sales counter.
Pansamantala naman isinara ng Pokemon Co ang kanilang pamilihan sa Ikebukuro at ang “Pikachu Sweets” cafe nito.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at inaalam pa rin ang motibo ng suspek.










