Dagupan City – Pinuri ni Beauty Queen Kathie Lee Berco ang naging performance ni Krishnah Gravidez.

Ito’y matapos na makakamit siya ng karangalan ng Pilipinas matapos na makamit ang titulong Miss World Asia sa international pageant scene.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kathie Lee Berco, ang Ms. Tourism Worldwide Philippines 2022, hindi maikakaila na isang malaking factor kung galing sa tinatawag na “powerhouse countries” ang kandidata—mga bansang kilala sa pagiging producer ng mga international pageant winners.

--Ads--

Aniya, importante rin ang pag-fofocus sa physical attributes, depende sa kung anong klaseng pageant ang sasalihan.

Binalikan din ni Berco ang journey ni Miss Multinational Philippines 2024 Nikki Buenafe, na kilala sa kanyang adbokasiyang edukasyon.

Paliwanag din nito, mahirap para sa isang kandidata kung may nakamit na itong titulo at muling susubok, dahil hindi mo alam kung saan ka mapupunta sa susunod.

Tungkol naman sa tila mabigat na hamon ng Pilipinas sa pagkamit ng korona sa mga international pageants, ipinaliwanag ni Berco na, mahirap ang international pageant dahil may iba’t ibang standpoint ang mga kandidata, at ang hinahanap ng mga organizations ay paiba-iba rin.