Tunay ngang love is in the air sa lovelife ng actress na si Bea Alonzo!

Paano ba naman kasi, umingay na naman ang pangalan nito matapos na maging usap-usapan ang birthday surprise na inihanda ng kaniyang household staff sa kaniyang ika-38th birthday ngayong araw, October 17, 2025.

Naganap ang surprise three days bago ang kaniyang actual birthday.

--Ads--

Ayon sa post ng kaniyang staff na si Rose “No more halungkat. Advance surprise for my tisay’s birthday”

Dito na rin nabanggit ang kasintahan ng actress na s “Sir V” na si Vincent Co.

Dahill dito, tila kilig-overload agad ang mga fans ni Bea dahil kuntento at masaya ang idolo nila sa kanyang buhay ngayon.

Ang iba naman ay naisip na baka buntis si Bea dahil sa anggulo ng picture pati na rin sa pagkakatakip ng bouquet sa tiyan ng aktres.

At kung sakaling totoo raw ito, suportado siya ng fans.

Samantala, sa huling panayam kay Bea, nabanggit niyang mas nauuna pa raw ang mga netizens tungkol sa mga totoong pangyayari sa kanyang buhay.