Makakaranas ng power interruption ang buong bayan ng Basista, Pangasinan sa Sabado, Oktubre 10, 2026, ayon sa abiso ng Central Pangasinan Electric Cooperative, Inc. (CENPELCO).

Magsisimula ang pagkawala ng suplay ng kuryente alas-7:00 ng umaga at inaasahang magtatagal hanggang alas-3:00 ng hapon.

Sakop ng power interruption ang buong Basista bilang bahagi ng isasagawang aktibidad ng electric cooperative sa naturang araw.

--Ads--

Pinapayuhan ang mga residente at establisimyento na magsagawa ng kinakailangang paghahanda bago ang itinakdang oras ng pagkawala ng kuryente.

Hinihikayat din ang publiko na ibahagi ang abiso upang maabisuhan ang iba pang residente at maiwasan ang abala sa panahon ng power interruption.