Nasa Islamabad, Pakistan si US Vice President JD Vance para sa serye ng negosasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran hinggil sa pagpapalawig ng kasalukuyang ceasefire.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Vance na nagkaroon ng “substantive discussions” ngunit walang napagkasunduang kasunduan.

“We’ve had a number of substantive discussions with the Iranians. That’s the good news. The bad news is that we have not reached an agreement – and I think that’s bad news for Iran much more than it’s bad news for the United States of America,” wika ni Vance.

--Ads--

Ang pagpupulong ay tumagal ng mahigit 21 oras mula Abril 11 hanggang Abril 12, 2026, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Estados Unidos, Iran, at Pakistan.

Kasama rin sa delegasyon ng Amerika si US special envoy Steve Witkoff at si Jared Kushner, manugang ni Pangulong Donald Trump.

Layunin ng negosasyon na palawigin ang tigil-putukan na ipinatupad noong Pebrero 28 sa ilalim ng Operation Epic Fury, matapos ang anim na linggong labanan sa Iran na nagdulot ng matinding pinsala at krisis sa ekonomiya.

Ayon sa mga ulat, kabilang sa mga sensitibong paksa ang uranium enrichment program ng Iran, seguridad sa Strait of Hormuz, at mga kondisyon para sa mas matibay na ceasefire. S

a kabila ng kabiguan, nananatiling bukas ang posibilidad ng panibagong round ng pag-uusap sa mga darating na linggo.

Ang kabiguan ng negosasyon ay nakikitang mas malaking dagok para sa Iran, na patuloy na humaharap sa matinding pressure mula sa international community at sa epekto ng mga sanctions.

Para sa Estados Unidos, nananatiling matatag ang posisyon na hindi magbibigay ng kompromiso hangga’t hindi natutugunan ang mga pangunahing isyu sa seguridad at nuclear program.