DAGUPAN CITY– Bagamat may panghihinayang ay thankful pa rin umano si Hermie Macaranas, tubong Bayambang Pangasinan silver medalist sa larangan ng Canoe sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games sa Malawaan Park, Subic, Zambales.

Ayon kay Macaranas malaki pa rin ang kaniyang panghihinayang dahil hindi nakamit ang gold medals bagamat naniniwala ito na may mga susunod pang pagkakataon para makuha ang inaasam na gintong medalya.

Samantala iniaalay ng beteranong canoe paddler ang kanyang tagumpay sa bagong silang na anak matapos manalo ng silver medal.

--Ads--

Mangiyak ngiyak na naalala ni Macaranas ang kanyang anak na si Hilary sa tagumpay na nakamit.

Ayon kay Macaranas, mabibigyan na niya ng magandang buhay ang kanyang anak.

Naitala ni Macaranas, na tubong Pangasinan ang men’s single 1000M event sa oras na apat na minutos at 21 secs na halos 2 segundo lamang ang agwat sa Gold medalist na si Mahawattanangkul Pitpiboon ng Thailand na may oras na 4 minutos at 19 seconds.

Habang ang bronze medal ay napunta sa Indonesia sa oras na 4 minutos at 24 na segundo.

Samantala, bigo naman sina Macaranas para sa mens double 1000m event na makasungkit ng medalya at pati na rin sa womens 500m event.

Ang 24 anyos na si Macaranas ay pang apat na ang sabak sa Southeast Asian Games mula noong 2011 at sa pagsabak nito, nakatipon na ito ng 6 na medalya.