BOMBO DAGUPAN- Hindi bababa sa 150 katao ang nasawi sa Bangladesh nang magkagulo ang mga kapulisan at mga estudyante sa nangyaring Anti-government protests.
Ayon sa isang estudyante, nais lamang ng mga demonstrador sa Dhaka ang mapayapang rally, subalit, nagsimula ang kaguluhan nang inatake sila ng mga kapulisan habang nagtitipon-tipon ang mga raliyista.
Kasalukuyan ngayon nagpapagaling ang isang student leader matapos umano itong piringan at pinahirapan ng mga di umanong kapulisan.
Samantala, ikinagulat naman ng mga doktor sa emergency department dahil karamihan na dinala sa kanilang pagamutan ay mga kabataan na may mga tama ng baril.
Inaakusahan naman ang security forces sa dami ng kanilang pwersa, gayunpaman, mga kalaban ng politika ang sinisisi ng gobyerno.
Nagkaroon naman ng internet blackout sa buong bansa na siyang pumipigil sa pagpapakalap ng impormasyon, habang sapilitan naman nagtaas ng curfew ang mga sundalo.