BOMBO DAGUPAN – Isang masayang balita para sa mga tagahanga ng American award-winning singer-songwriter na si Lady Gaga ang kanyang pagkaka-engage sa kanyang entrepreneur at tech investor boyfriend na si Michael Polansky.

Dahil mga kabombo, mismong ang singer ang nagkumpirma nito nang ipakilala niya si Michael kay Prime Minister na si Gabriel Attal ng France nang magkita sila sa 2024 Paris Olympics.

Sa isang video na in-upload mismo ng prime minister, makikita ang pagkikita nila ni Lady Gaga sa Olympic swimming competition nitong Linggo, July 28.

--Ads--

Maliban pa diyan ay maririnig din sa video na matapos bumeso at bumati ng singer kay Attal ay tinanong siya nito kung sino ang kanyang kasama.

Sinagot naman ito ni Lady Gaga at sinabing “my fiancé,” sabay turo kay Michael na noong mga oras na iyon ay nasa kanyang likuran.

Mabilis na nag-viral ang nasabing video at maraming fans ni Lady Gaga ang natuwa sa kanyang pagkaka-engage.

Bagamat wala pang direktang pag-anunsiyo ang singer sa naging proposal sa kanya ni Michael, ayon naman sa kanyang mga tagahanga ay sapat na, na sakanya mismo nanggaling ang impormasyong fiancé na niya ang longtime boyfriend.