BOMBO DAGUPAN – May mga batas na umiiral at kailangang sundin pagdating sa mga bahay-paupahan kung saan mahalagang malinaw ang mga alituntunin at mga kondisyon na nakasaad sa pinagkasunduang kontrata.

Ayon kay Atty. Joey Tamayo Resource Person Duralex Sedlex na ang kontrata ay isang batas sa pagitan ng dalawang partido na mayroong silang napag-usapan at napagkasunduan.

Aniya na ang general rule ay kung ano ang nakapaloob sa kontratang ito ay siyang susundin ng may-ari ng bahay-paupahan gayundin ng umuupa dito.

--Ads--

Dito rin matatagpuan ang mga karapatan ng nangungupa at ng may-ari. Sa pagkakataon namang magkaroon ng paglabag sa mga patakaran ay maaari itong ireklamo at ilapit sa kinauukulan.

Kaugnay naman sa renta ng paupahang-bahay ay hindi basta-bastang makapagtataas ng renta ay may-ari bagamat kada taon lamang silang pinahihintulutang makapag-increase ng bayad.

At ang pagtaas na ito ay dapat hindi mas mataas sa apat na porsyento angkop sa batas na umiiral sa taong kasalukuyan.

Kaya’t mainam na malinaw ang mga alituntunin at kondisyon gayundin na malaman ang batas ukol dito lalo na sa syudad na napakaraming nangungupahang estudyante at manggagawa na nagmula pa sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.