Posibleng itaas pa sa isang Alert level ang bansang Israel matapos ang nagyaring air strikes noong Linggo matapos ang pagpapakawala ng Palestinian rocket fire sa kanilang teritoryo.

Ayon kay Bombo International Correspondent Marvin Cuellar mula Jerusalem, Israel, aasahang maglalabas ng isang alert level ang nabanggit na bansa sa darating na Miyerkules bilang paunang hakbang lalo na’t may paparating na holiday sa kanilang bansa na madalas na sinasamantalang panahon ng mga terorista para magsagawa ng mga hakbang.

Aniya, nag-ugat umano ang airstrike makalipas na makatakas sa isang maximum security Israeli jail ang anim na Palestinian militants.

--Ads--

Nang mahuli na ang 4 mula sa Nazareth, nagpalipad ng rockets ang Gaza militants papuntang Israel.

Dagdag pa rito, usap-usapan din sa kanilang bansa na maaring may koneksyon ang mga suspek sa loob ng piitan dahil impossible umano na hindi ito mapapansin ng mga nagbabantay sa kulungan lalo na at 1 high value suspek ang kabilang sa mga nakatakas sa nabanggit na kulungan.

Maingay umano ang pagbabaklas ng inodoro na ginawang lagusan ng suspek para makatakas.

Bombo International Correspondent Marvin Cuellar

Matatandaang isa ang nabanggit na kulungan sa pinakamahigpit na jail facility sa nabanggit na bansa.

Sa ngayon ay tinututukan na ng mga otoridad doon ang pagbabantay sa mga lugar malapit sa kulungan at mahigpit ang ginagawang checkpoint doon.