BOMBO DAGUPAN – Ginulat ng aktor na si Albie Casiño ang kanyang fans nang ibalita niyang isa na siyang ama.

Ibinahagi ni Albie ang video ng pagdating niya sa San Francisco International Airport kung saan masaya siyang sinalubong ng kanyang mag-ina.

Makikitang very excited si Albie nang halikan niya sa labi ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Michelina, 27, karga-karga ang kanilang baby boy.

--Ads--

Base sa caption ni Albie, ang pangalan ng kanyang anak ay Roman Andrew.

Ito ang unang pagkakataong nakita ni Albie nang personal ang anak na isinilang sa Amerika.

Pero walang ibinahaging detalye si Albie kung kailan isinilang ang anak.

Ito ang unang pagkakataong nalaman ng publiko na isa na palang ama si Albie, ngunit base sa komento ng kanyang celebrity friends ay matagal na nila itong alam.

Isa sa mga unang nagkomento sa post ni Albie ay ang singer/actor/TV host na si Darren Espanto.

Masaya rin para kay Albie sina Diego Loyzaga at Denise Laurel.

Ipinakilala ni Albie ang non-showbiz girlfriend na si Michelina noong May 2023.

Ang pagsasapubliko ni Albie sa kanilang relasyon ay kasabay ng kanyang ika-30 kaarawan at unang taon nila bilang magkasintahan noong May 14, 2023.