BOMBO DAGUPAN – Ibinahagi ng aktres na si Alexa Ilacad ang real score sa pagitan nila ng aktor na si KD Estrada.

Matatandaan na unang nagkakilala ang dalawa sa isang reality show bilang celebrity housemates sa kasalukuyan nilang network.

Kilala n ga ang dalawa sa ngayon dahil sa kanilang loveteam na KDLex.

--Ads--

Kaugnay naman sa katanungan patungkol sa kanilang tunay na iskor sa isa’t isa pagbabahagi lamang ni Alexa na papunta na daw sila doon.

Marami naman ang nacucurious kung saan nga ba talaga ang sinasabing “Getting there…On the way” ng aktres.

Umaasa naman ang maraming fans na sana ay mabigyan sila ng chance para patunayan ang lakas nila sa mga audience.