BOMBO DAGUPAN – Pumanaw ang aktor, professional surfer, at lifeguard na si Tamayo Perry dahil sa pagsalakay ng pating sa Malaekahana

Putol ang isang braso at binti ni Perry, 49 anyos nang matagpuan siya ng mga local surfer.

Nang dalhin sa dalampasigan ang biktima, nakita sa kanyang walang buhay na katawan ang mga bakas ng ngipin ng pating.

--Ads--

Pinaghihinalaang hindi lamang isang pating ang sumalakay kay Perry habang nagse-surfing ito.

Naglagay agad ang Ocean Safety personnel ng babala o shark warnings sa naturang lugar dahil sa kalunos-lunos na nangyari kay Perry.

Ginampanan ni Perry ang karakter ng isang pirata sa Pirates of the Caribbean: On Stranger Tides noong 2011.

Napanood din siya mga pelikulang Blue Crush (2002) at Hawaii Five-O (2011).

Hindi naman makapaniwala ang mga kaibigan ni Perry sa sinapit ng aktor at surfer.