Pinapaalerto ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mga kapulisan dahil sa inaasahang scenario sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi nito na dapat ikalma ng Philipipne National Police (PNP) ang mga tao dahil sa mataas ang emosyon sa nagaganap na political trials.

Mahalaga na gumitna ang mga kapulisan para maiwasan ang anumang kaguluhan.

--Ads--

Sanay na aniya ang mga kapulisan sa mga worst scenario kaya mahalaga na paghandaan ito.

Naniniwala din si Remulla na irerespeto ng publiko ang anumang magiging hatol ng impeachment court laban sa Bise Presidente.

Tinatalakay ng Impeachment Court na muling magsisimula sa Disyembre 1 ang Article II ng Articles of Impeachment kung saan makikita ang iregularidad sa yaman ng Bise President na hindi tugma sa kaniyang Statement of Assets , Liabilities and Net Worth.