Pitong body bag na ang narekober ng mga awtoridad habang patuloy na pinaghahanap ang mahigit 50 manggagawa matapos masunog ang isang pagawaan ng kendi sa Cikande, Serang Regency, Java, Indonesia nitong Sabado, Nobyembre 21.

Dahil sa tindi ng sunog, hindi na makilala ang mga nasawi sa pamamagitan lamang ng visual inspection. Nagsimula na ang mga awtoridad sa pangangalap ng DNA samples at personal na gamit mula sa mga kaanak ng nawawalang manggagawa upang matukoy ang kanilang pagkakakilanlan.

Ayon sa may-ari ng pabrika, nasa 300 manggagawa ang naka-duty nang sumiklab ang sunog.

--Ads--

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente at inaalam kung saang bahagi ng gusali posibleng na-trap ang mga nawawalang manggagawa.