Trahedya sa Siberia: 19 patay sa Russian military plane crash. Isang An-12 aircraft ang bumagsak, iniimbestigahan ang teknikal na isyu. Alamin ang buong balita.

Patay ang 19 pasahero ng isang Russian military plane matapos itong bumagsak sa Siberia nitong Martes, Nobyembre 17.

Naitala ang pagbagsak ng isang An-12 aircraft sa kasagsagan ng scheduled flight nito sa isang uninhabited area sa Kemerovo region, Siberia, ayon sa ministry defense ng bansa.

Bagama’t kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad, ayon naman sa ministro, maaaring dulot ng teknikal isyu ang dahilan sa pagbagsak ng naturang eroplano.

--Ads--

Ani lokal na gobernador ng rehiyon, agarang inapula ng emergency response ang apoy mula sa crash site malapit sa nayon ng Yagunovo. Kinordonan na rin ng pulis ang lugar na pinagbagsakan ng eroplano.

Inimobalisa na rin ng lokal na pamahalaan ang isang helicopter at ilang mga kalapit na medical facilities para magbigay-gabay at lunas kung sakaling may mangailangan.

Hindi rin tukoy kung may iba pang kargamentong lulan ang naturang eroplano.