Isinagawa sa Pamilihang Bayan ng Manaoag ang regular na paglilinis at flushing bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kalinisan at kaligtasan sa bayan,
Layunin ng aktibidad na ito na matiyak ang maayos na sanitasyon at magbigay ng malinis, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa lahat ng mga mamimili, tindera, at iba pang nagtutungo sa palengke.
Ang lingguhang paglilinis ay pinagtutulungang isakatuparan ng mga utility personnel at market marshals ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag (LGU), katuwang ang Market Division Office at ang Manaoag Bureau of Fire Protection (BFP).
Ang inisyatiba ay alinsunod sa direktiba ni Mayor Jeremy Agerico “Doc Ming” B. Rosario, at sa pamamagitan ng pangangasiwa ng General Services Office (GSO).
Patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang pakikiisa ng mga nagtitinda at publiko sa pagpapanatili ng kaayusan sa pamilihang bayan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at mapangalagaan ang kalusugan ng komunidad.










