Pumalo na sa P1.728 milyon ang tinatayang pinsala sa sunog na tumupok sa tatlong silid-aralan ng Camiling-West Elementary School sa Camiling, Tarlac nitong Miyerkules, Nobyembre 11, 2026.

Ayon kay Senior Fire Officer 4 Jhonny H. Gamboa ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Camiling, kasalukuyang nagpapatuloy umano ang kanilang imbestigasyon upang matukoy ang tunay na pinagmilan ng sunog.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Gamboa na posible umanong may kaugnayan ang sanhi sa electrical wiring ng gusali at ang kondisyon ng gusali kung saan naging mas mabilis ang pagkalat ng apoy dahil malaking parte nito ay gawa sa light materials.

--Ads--

Batay sa paunang salaysay ng mga saksi, nagkaroon umano ng brownout at nang bumalik ang suplay ng kuryente ay nakarinig sila ng malakas na pag-spark bago nagsimula ang sunog.

Samantala, wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan dahil nakauwi na ang mga mag-aaral nang mangyari ang insidente.