Sumalang na ang ika-4 na testigo ng depensa sa Impeachment trial Sara Duterte. Alamin ang detalye ng pagtestigo ni Atty. Balucanag-Punay sa Senado.

Sumalang bilang ikaapat na testigo ng defense panel si Atty. Suzette Balucanag-Punay sa ika-42 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Nobyembre 11.

Si Balucanag-Punay, na tumatayong corporate counsel para sa GenCorp Industries, Inc. at Metro City Chow Foods Corp., ay tumestigo upang patunayan na hindi stockholder, opisyal, o direktor ng alinman sa dalawang kumpanya ang Bise Presidente.

Naipagpaliban ang kaniyang orihinal na pagtestigo noong Lunes, Nobyembre 9, matapos itong magkaroon ng naunang nakatakdang MRI procedure.

--Ads--

Pormal na binuksan ang pagdinig sa pangunguna ni Senator-Judge Pia Cayetano na nag-alay ng pambukas na panalangin, at idineklara ang quorum sa pagdalo ng 13 senator-judges sa bulwagan.

Bago ang kaniyang pagtestigo, nauna nang sumalang sa witness stand nitong mga nakaraang araw ang ilang personalidad.

Matatandaang sinita ng ilang senator-judge ang mga naunang testigo dahil sa tila pag-iwas na magbigay ng direktang sagot sa ilang mahahalagang katanungan ukol sa kaso.