Hinimok ni Mayor Pedro A. Merrera III ang mga kinauukulang opisyal at indibidwal na pag-aralan nang mabuti ang mga alituntunin sa paggamit at paglalabas ng pondo upang maiwasan ang anumang problema sa proseso ng disbursement.
Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng pag-unawa sa mga umiiral na guidelines upang matiyak na magiging maayos ang pagproseso at paggamit ng pondong inilaan para sa mga benepisyaryo.
Nabanggit din ni Merrera ang tungkol sa isang liham na inihain ng mga kinauukulan, bagama’t wala pa siyang tiyak na impormasyon kung ano ang naging resulta o aksiyon kaugnay nito.
Hinimok niya ang mga taong direktang maaapektuhan ng naturang usapin na sila mismo ang magtanong at humingi ng paglilinaw, lalo na’t may kaukulang halagang ₱200,000 na kailangan nilang bayaran.
Binigyang-diin din ng alkalde na dapat isantabi ang pamumulitika at unahin ang kapakanan at pangangailangan ng mga mamamayan. Aniya, mahalagang hindi mahaluan ng interes sa politika ang mga usaping may direktang epekto sa kabuhayan at pang-araw-araw na pangangailangan ng komunidad.










