Nasa Puerto Rico na si Miss Universe Philippines Bea Millan-Windorski bilang paghahanda sa pagsabak sa ika-75 edisyon ng Miss Universe.
Ibinahagi ni Windorski sa social media ang kaniyang pagdating sa bansa, kung saan tampok ang isang makulay na kasuotang sumasalamin sa pagkakakilanlan ng Pilipinas at Puerto Rico bilang dalawang bansang kapwa binubuo ng mga isla.
Sa kanyang post sa social media, hango ang kaniyang kasuotan sa gumamela ng Pilipinas at flor de maga ng Puerto Rico. Tampok dito ang makukulay na floral prints at disenyo na nagpapakita ng pagkakaugnay ng dalawang kultura.
--Ads--










