Umabot sa ₱170,470.00 ang kabuuang halaga ng mga ilegal na sigarilyong nasabat sa isang pampublikong pamilihan sa bayan ng San Quintin sa isinagawang joint operation ng Philippine Tobacco Institute (PTI) at ng Philippine National Police (PNP) noong Sabado, Nobyembre 7, 2026.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, ibinebenta ang mga nakumpiskadong sigarilyo sa presyong ₱70.00 bawat pakete at ₱700.00 kada ream ng mga halagang malayo sa nakatakdang pamantayan at walang kaukulang buwis at permiso.

Agad na pinalibutan at ininspeksyon ng pinagsamang pwersa ng PTI at PNP ang nasabing pamilihan kasunod ng nakuhang impormasyon ukol sa patuloy na pagkalat ng mga produktong tabako na hindi dumaan sa legal na proseso at inspeksyon.

--Ads--

Samantala, binigyang-diin ng mga kinauukulan na mas lalo pa nilang hihigpitan ang koordinasyon at patuloy na magsasagawa ng mga pagsuyod sa mga palengke upang tuluyang masugpo ang ilegal na bentahan, distribusyon, at pagpasok ng mga smuggled na sigarilyo sa probinsya.