Hinikayat ng Bugallon Municipal Police Station (MPS) ang mga mamamayan na manatiling alerto at mapagmatyag upang makatulong sa pagpigil sa mga posibleng banta ng terorismo at pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa komunidad.

Sa pamamagitan ng Terrorism Awareness Campaign ng Philippine National Police (PNP), binigyang-diin ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng publiko sa pamamagitan ng agarang pag-uulat sa mga kahina-hinalang kilos o aktibidad sa kanilang paligid.

Pinayuhan din ang mga residente na palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa mga posibleng banta ng terorismo at makipagtulungan sa mga awtoridad upang maagapan ang anumang insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa kanilang lugar.

--Ads--

Patuloy namang isinusulong ng PNP Bugallon ang pagpapalakas ng kamalayan at pakikiisa ng komunidad bilang bahagi ng mga hakbang upang mapanatili ang ligtas, maayos at mapayapang kapaligiran sa bayan.