Naiuwi na sa bansa ang mga labi ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nasawi sa Saudi Arabia noong Oktubre 21, 2026.
Sinalubong ang pagdating ng mga labi ng kaniyang pamilya, kasama ang mga kinatawan ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at LGU Malasiqui.
Ang nasabing OFW ay tubong Malasiqui, Pangasinan at kabilang sa mga nasawi sa insidenteng naganap sa Shaybah oilfield na pinamamahalaan ng Saudi Aramco sa Saudi Arabia. Kasama rin nitong nasawi ang isang Nepalese national.
Batay sa mga opisyal na ulat, na-intercept ng air defense system ng Saudi Arabia ang isang drone na pinaniniwalaang nagtangkang tumama sa pasilidad ng oilfield, na nagresulta sa insidenteng ikinasawi ng dalawang manggagawa.










