Isang malawakang pagkadismaya ng mga mamamayan sa pamumuno ni United States President Donal Trump ang ipinapakita sa resulta ng 2026 US Midterm Elections.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International News Correspondnet sa USA, Des Baker, bagama’t inaasahan ang ilang pagbabago sa resulta ng halalan, ang malaking lamang ng nanalong Democrats sa halalan ay nagpapakita umano ng indikasyon sa kawalan ng kasiyahan ng mga Amerikano sa kasalukuyang administrasyon.

Sinabi rin ni Baker na malaking pagbabago umano ang lumabas sa ilang mga estado matapos lumipat ng suporta mula sa Republican Party patungong Democratic Party.

--Ads--

Kaugnay nito, nakaapekto rin umano sa resulta ng halalana ang pananaw ng mga Amerikano sa foreign policy ng administrasyon partikular sa mga digmaan at relasyon ng Estados Unidos sa Israel at may mga mamamayan umanong naniniwlaang mas nabibigyang-pansin ni Trump ang mga usapin sa ibang bansa kaysa sa mga pangunahing pangangailangan ng sariling bansa.

Binigyang-diin ni Baker na maging ang ilang botanteng Republican ay piniling suportahan ang mga kandidato ng kabilang partido dahil hindi sila nasisiyahan sa pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon, na maaaring magpahina sa impluwensiya ni Trump sa natitirang panahon ng kaniyang panunungkulan.

Samantala, ipinahayag din ni Baker na maaaring makaapekto ang resulta ng halalan sa kakayahan ni Trump na maisulong ang kaniyang mga panukalang batas at budget habang maaari na lamang itong umasa sa executive order para maisakatuparan ang ilan sa kaniyang mga polisiya dahil kinakailangan pa rin niya ang suporta ng mga mambabatas sa Kongreso.