Dagupan City – Arestado ang dalawang magpinsan sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Calasiao Municipal Police Station sa Barangay Poblacion East, Calasiao.
Isinagawa ang operasyon pasado alas-dose ng hatinggabi matapos umanong magbenta ang mga suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang hinihinalang iligal na droga na may kabuuang timbang na zero point six one gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱4,148.00 batay sa Standard Drug Price.
Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Layunin nitong patatagin ang seguridad sa pagkain sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kayang bigas sa mga pamilyang Pilipino at paggarantiya ng siguradong pamilihan para sa pananim ng mga magsasaka.









