Umabot sa mahigit 37,000 pasahero ang naitala sa mga pantalan sa buong bansa sa unang anim na oras ng Araw ng mga Santo, Nobyembre 1, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Batay sa datos ng PCG, nasa 19,669 ang mga pasaherong bumiyahe palabas ng mga pantalan, habang 17,644 naman ang mga dumating mula alas-12 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga.

Bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos ngayong Undas 2026, nagsagawa na rin ang PCG ng inspeksyon sa 161 barko at 160 motorbanca upang matiyak ang kaligtasan ng mga sasakyang pandagat.

--Ads--

Nag-deploy din ang ahensya ng 6,153 tauhan sa mga pantalan sa buong bansa at itinaas ang alerto sa mga distrito at istasyon nito upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa inaasahang pagdami ng mga biyahero.