Dagupan City – Naka-deploy na ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Binmaley at mga katuwang nitong ahensiya sa iba’t ibang strategic area sa bayan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong Undas 2026.

Kabilang sa mga lugar na binabantayan ang Binmaley Public Cemetery, Binmaley Memorial Park, Binmaley Beach at MDRRMO Operations Center, kung saan nakahanda ang mga tauhan na magbigay ng tulong at agarang emergency response sa oras ng pangangailangan.

Isinasagawa ang operasyon sa pamamagitan ng koordinasyon ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Rural Health Unit (RHU), Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committees (BDRRMCs), at iba pang kinauukulang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

--Ads--

Layunin ng sama-samang pagkilos na mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day, lalo na sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga mamamayan.

Patuloy na nakahanda ang mga responder upang matugunan ang mga emergency at pangangailangan ng publiko sa buong panahon ng Undas.