Mahigpit na ipinagbabawal ang malawakang Halloween street parties sa Shibuya, Tokyo, Japan, bilang bahagi ng mga hakbang ng mga awtoridad upang maiwasan ang kaguluhan at mapanatili ang kaligtasan ng publiko.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Hannah Galvez, bantay sarado na ng mga awtoridad ang paligid ng Hachiko statue at nagtalaga ng mas maraming pulis upang pigilan ang pagtitipon ng mga kabataan at turista.
Mahigit 600 tindahan din ang pinayuhang magsara nang mas maaga, kasabay ng paghihigpit sa pagbebenta at pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.
Ipinatupad ang mga hakbang kasunod ng mga naunang insidente ng kaguluhan tuwing Halloween, kabilang ang pagwawala ng mga lasing, pagtatapon ng basura, pagbabasag ng mga bote at paninira sa mga sasakyan.
Sa halip na magdaos ng mga pagdiriwang sa lansangan, hinihikayat ng mga awtoridad ang publiko na isagawa ang Halloween celebrations sa loob ng mga establisimyento tulad ng karaoke bars at clubs upang maiwasan ang abala at mapanatili ang kaayusan.










