Kasalukuyang nangunguna ang koalisyon ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu kontra sa pangkat ni dating military chief Gadi Eisenkot sa general election sa Israel, ngunit tinatayang hindi pa rin sapat ang nasabing pwesto upang tuluyang makamit ang mayorya sa parliament batay sa paunang resulta.

Sa naitalang 85 porsyento ng nabilang na boto, inaasahang makakakuha ng 53 pwesto mula sa 120-seat Knesser ang Likud party ni Netanyahu habang inaasahan namang makakakuha ng 48 puwesto ang Yashar party ni Eisenkot.

Kaugnay nito, parehong nagpahayag ang dalawang kandidato hinggil sa kahandaang bumuo ng governing coalitin sa pagpapatatag ng bagong pamahalaan.

--Ads--

Samantala, hindi pa kabilang sa nasabing paunang bilang ang tinatayang 430,000 absentee ballots mula sa mga sundalo, diplomat at pasyente sa mga ospital na tinitignang magiging dahilan upang abutin pa ng isa hanggang dalawang araw bago makumpleto at makumpirma ang pinal na resulta ng halalan.

Oras na makumpirma ang resulta, magsasagawa ng konsultasyon si Israeli President Isaac Herzig sa mga partidong politikal upang makapagpasya sa pipiliing lider na may pinakamalaking pagkakataong makabuo ng pamahalaan at inaasahang aabutin ng ilang linggo ang nasabing proseso.