Isang makasaysayang himig ng musika ang haranang bitbit ng dalawang musikero sa bawat kuntinente ng mundo sa loob lamang ng mahigit 100-araw.

Sa kanilang ‘Road to Freedom’ concert, bitbit nina Stefan Doniga at Diana Jipa na parehong Romania ang kanilang piano at violin upang iparinig ang mapagpalayang melodiya ng classical music sa iba’t ibang entablado ng mundo.

Ayon sa dalawang musikero, layunin ng kanilang pagtatanghal na pag-isahin ang bawat manunuod mula sa iba’t ibang lugar sa pamamagitan ng pagmamahal sa klasikal na musika at parehong hangarin para sa kalayaan.

--Ads--

Sa pamamagitan ng inspirasyong mula sa mayamang pamana ng kultura kaya naman naganap ang nasabing konsyerto nina Stefan at Diana bago ang ika-35 anibersaryo ng Robolusyong 1989 ng Romania.

Kaugnay nito, nasungkit din ng mga musikero ang titulo sa Guinness World Records sa kategoryang “fastest time to play a concert on each continent.”