Hindi pa mapangalanan kung sino ang wagi sa pagitan ni Prime Minister Benjamin Netanyahu at ang pangunahing katunggali na ito na si dating military chief na si Gadi Eisenkot para sa position ng pagka-prime minister sa kasalukuyang Israel elections batay sa resulta ng exit polls nitong Miyerkules, Oktubre 28.
Bagama’t inaalam pa ang opisyal na resulta ng elekeksiyon, naitala ngayong taon ang pinakamataas na voter turnouts simula pa noong taong 1999.
Batay naman sa paunang resulta, tila inaasahan naman ang pagbagsak ng panig ni Netanyahu mula 68 pwesto nitong nakaraang Knesset sa 50 pwesto na lamang, habang nakakuha naman ng 52 pwesto ang bloke ni Eisenkot, habang naitala naman ang 18 pwesto sa Arab parties.
Kinakailangan kasi ng 61 puwesto mula sa kabuuang 120 upuan sa Knesset upang matukoy na wagi ang nasabing partido sa posisyon.
Sa ngayon, kasalukuyan nang isinasalansan at binibilang ang mga boto ngunit maaasahan pa sa loob ng 48 na oras o higit pa ang opisyal na resulta ng eleksyon.










